Saturday 30 October Sunday 31 October Monday 1 November Tuesday 2 November Wednesday 3 November Thursday 4 November Friday 5 November Saturday 6 November Sunday 7 November Monday 8 November Tuesday 9 November Wednesday 10 November Thursday 11 November Friday 12 November Saturday 13 November Sunday 14 November Monday 15 November Tuesday 16 November Wednesday 17 November Thursday 18 November Friday 19 November Saturday 20 November Sunday 21 November Monday 22 November Tuesday 23 November Wednesday 24 November Thursday 25 November Friday 26 November Saturday 27 November Sunday 28 November Monday 29 November Tuesday 30 November Wednesday 1 December Thursday 2 December Friday 3 December Saturday 4 December Sunday 5 December Monday 6 December Tuesday 7 December Wednesday 8 December Thursday 9 December Friday 10 December Saturday 11 December Sunday 12 December Monday 13 December Tuesday 14 December Wednesday 15 December Thursday 16 December Friday 17 December Saturday 18 December Sunday 19 December Monday 20 December Tuesday 21 December Wednesday 22 December Thursday 23 December Sa kantang ito ni Moira dela Torre, makikita ang kumbensyon ng "tipikal na diskarte:" Nung tayo'y nag-college ay saka ko lamang binigay ang matamis na oong Sampung buwan mong trinabaho Sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga kanta mong pabebe Nabanggit sa awitin ang tinagal ng panliligaw at "pagtatrabaho" ng manliligaw para sa "matamis na oo" ng nililigawan.
Totoo: bukod sa pagiging kumpetisyon, ang panliligaw ay trabaho. Laging inaasahan ang lalaking kumilos, ipakita sa gawa, di lamang sa salita, ang kanyang determinasyon at tiyaga. Lampas sa mapagkawanggawa at magalang na mukha ng chivalry, nagpapatuloy ang pag-iral ng patriyarka sa pagpapanatili ng tipikal na paniniwalang mahina ang babae at lagi't laging nangangailangan ng tulong, pagprotekta, at saklolo ng isang lalaki. Mas malalim ang problema sa pagreregalo at paghahandog sa nililigawang babae.
Isang pagpapatotoo ang pagreregalo o paghahandog ng lalaki sa kaniyang sosyal at ekonomik na tayo sa lipunan. Isa itong indikasyon ng kaniyang kakayanang makabili at maghandog ng regalo sa nililigawan, isang palabas ng mga tinatamasang pribilehiyo at kalakasan sa aspektong sosyopolitikal at ekonomikal. Bukod pa rito, sinasadya man o hindi, di maiiwasang mabigyan ng numerikal na presyo o halaga ang babaeng nililigawan, na "nabibili" sa pamamagitan ng mga materyalistikong pamantayan at amalgamasyon ng diskarte't trabaho.
Tila ba't hindi pa sapat ang iba pang uri ng komodifikasyon ng babae sa lipunan, nagkakaroon ng ekonomikal na halaga ang babae depende sa kaniyang manliligaw. Syempre pa, karaniwan din ang pagpapatagal sa yugto ng panliligaw, para sa iilang mga dahilan. Una, pinapahalagahan ng kulturang Pinoy ang "pagpapahirap" sa manliligaw upang mapatunayan ang kaniyang tatag at tiyaga. Pangalawa, pinahahalagahan naman ng kababaihan ang kanilang "dangal" sa pamamagitan ng hindi pagiging "easy-to-get.
Pangatlo, karaniwang sinasadya ring patagalin ng kababaihan ang panliligaw sapagkat ito ang pinakamasayang yugto ng pakikipagrelasyon. Sa pagpasok nila sa isang relasyon, nagsisimula nang angkinin ng lalaki ang awtoridad at kontrolin ang kasintahan o ikahon ito sa mga mapang-abusong kaisipang "nararapat" sa kababaihan.
Paninilbihan Hindi lamang ang magiging kasintahan ang nililigawan sa kulturang Pinoy. Damay sa proseso ang pamilya ng babae, partikular ang mga magulang, na kung minsan ay umaabot pa hanggang sa mga kaibigan nito. Inaasahan ang isang manliligaw na magdala ng mga pagkain o pasalubong para sa pamilya kada dadalaw sa bahay ng nililigawan.
Sa ganitong paraan, unti-unti rin nitong tinatrabaho ang pabor ng mga miyembro ng pamilya ng babae. Mahalaga ang pagiging 'legal' o ang pagkakaroon ng basbas ng pamilya sa isang relasyon sa lipunang Pinoy, dahil dito nakabatay ang pagtanggap ng buong komunidad.
Sa epikong Biag ni Lam-Ang, halimbawa, ipinakita kung paanong kinuha ni Lam-Ang ang atensyon ng nililigawang si Ines at ang kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pagtilaok ng kaniyang manok. Kasabay nito ang pagbagsak ng isang bahay sa di kalayuan. Nang tumahol ang kaniyang aso, dagling tumayo ang tumumbang tahanan. Sa ganitong paraan siya napansin sa gitna ng napakaraming manliligaw ng dalaga, at siya ring nakatulong upang ibigay ng mga magulang ang kamay ng dalaga.
Sa Ibong Adarna naman, sa pagpupursigi upang makamit ang anak nitong si Maria Blanca para pakasalan, nagpapataw ang Haring Salermo ng tila imposibleng mga utos sa pobreng si Don Juan. Ang mga utos ay lubhang mahihirap at tila hindi magagawa kung walang tulong ng salamangka, tulad ng pagpatag ng isang bundok, pagsaboy ng trigo rito, pag-ani sa mga tanim noon din, at paggawa ng tinapay mula rito upang ihanda sa almusal ng Hari kinabukasan.
Sinasalamin ng ganitong mga naganap sa korido ang totoong mga tradisyon sa reyalidad, partikular ang paninilbihan. Tulad ng pagtatrabaho ni Don Juan nang mabigat at mahirap, karaniwan sa tradisyunal na paraan ng panliligaw ang pagtulong sa gawaing-bahay ng nililigawan. Inaatasan ang mga manliligaw na magsibak ng kahoy, mag-igib ng tubig, at iba pa. Pamilya ang pinakamalaking salik ng pagtatagumpay ng isang panliligaw.
Bukod sa aspekto ng paninilbihan bilang pamantayan ng pagiging 'karapat-dapat,' kadalasang kontrolado ng pamilya ng babae ang kaniyang mga nagugustuhan, dapat na gustuhin, maging kasintahan, hanggang sa mapapangasawa. Dito papasok ang salik ng relihiyon, politika, at ekonomiya. Sa isang third-world na bansang tulad ng Pilipinas, mas pinapaboran ng pamilya ang lalaking may katayuan sa buhay o iyong mga nakasasabay sa kanila sa kalagayang ekonomikal. Kadalasan, ginagamit din ang kapangyarihan ng politika upang makahanap ng mga ipakakasal sa mga anak nang walang masyadong angil mula sa magulang.
Pamanhikan Sagrado ang sakramento ng kasal sa Pilipinas. Kaya't importante rin ang pamanhikan. Ang pamanhikan ay ang pormal na paghingi ng pamilya ng manliligaw sa kamay ng nililigawan upang tumuloy na sa kasal. Karaniwang may dalang pagkain at mga regalo ang pamilya ng lalaki at sa harap ng hapag-kainan ay pormal na hihingin ang kamay ng babae, at kung tanggapin ay magpapatuloy na pagdiskusyunan ang mga detalye ng kasal kasama na ang dowry na kaakibat nito.
May diskurso sa "pagpanhik. Mapapansin din ito sa konsepto ng harana—kung paanong laging tumitingala ang manganganta, at kung paanong laging nakadungaw pababa ang nililigawan. Simboliko ang panhik—naniniwala ang Pilipino na ang pagpapakasal ay hindi lang pag-iisang dibdib ng dalawang tao, bagkus ay ang unyon ng dalawang pamilya. Subalit, marapat tandaan na ang pagpayag na "pumanhik" ay di kasingkahulugan ng pagpayag sa inaalok ng kabilang kampo.
Ito ay mapapansin sa linyang ito galing sa Pamanhikan: Ngunit tandaang Ang inyong pagpanhik Ay hindi pahiwatig Ng aming pagdinig Sa inyong hinaing Na inihihibik Kapansin-pansin din ang pagpabor ng mga magulang ni Neneng kay Luis dahil sa stable na pinansiyal na katayuan nito sa buhay. Mapapansin ang kontekstong ekonomikal nang manghingi ng engrandeng kasalan ang Impong Maria. Sa huli, nagkasundong apat hanggang anim na baka at anim na baboy ang ipatutumba para sa kasalan.
Ito ang nagsilbing dowry ng dula para kay Neneng. Sa Biag ni Lam-Ang, pumayag lamang ang mga magulang ni Ines Kannoyan na ipakasal siya sa binata kung makapagbibigay ito ng dowry na doble ng kayamanan ng pamilya ng dalaga, na naibigay naman ng binata. Tulad ng mga regalo at handog sa mas maagang yugto ng panliligaw, walang ibang ginagawa ang dowry kundi ang magtakda ng halaga sa buhay at kalayaan ng isang babae.
Noong mga araw na mas uso pa ang arranged marriage sa Pilipinas, mas makapangyarihan ang dowry at mas mahigpit ang mga bakal na nagtatali sa babae sa kaniyang "lugar" sa lipunan.
Sa huli, ang panliligaw ay isang metaporikal na payabangan at pataasan lamang ng ihi ng kalalakihan, isang arena ng pagpapatingkayaran ng machismo. Ang katuturan ng panliligaw sa panlipunan ay walang iba kundi ang pagpanatilihin ang pagbabanggaan ng mga kalalakihan sa digmang dinedetermina ang malakas at hindi.
Mula sa palakasan ng katawan, hanggang sa pabanguhan ng reputasyon, hanggang sa patalinuhan sa akademya at sining, hanggang sa pataasan ng pinansyal na kalagayan, ang tunay na pinangangalagaan ng panliligaw ay hindi ang dangal ng nililigawan, kundi ang angas ng manliligaw.
Una, malinaw ang komodifikasyon ng kababaihan sa paraan kung paanong naghahanap si Bayardo San Roman ng mapapangasawa na tila'y naghahanap lamang ng karne sa palengke—nang mahanap ang pinakamaganda, noon at noon din ay nagpasyang pakakasalan niya ito.
Mapapansin ang kagalantihan ni Bayardo sa panliligaw kay Angela Vicario, at kung paanong ipinakita niya ito sa harap ng maraming manonood na para bang ang kanilang mga buhay ay nasa loob ng patalastas—isang indikasyon ng pagpaparada ni Bayardo sa kaniyang pera't kapangyarihan, lalo ang ama niya'y ang sikat na sikat na dating heneral ng digmaan.
Sapagkat mahahalatang walang pagmamahal sa kanya si Angela, ang niligawan ng binata ay ang kaniyang pamilya. At dahil ang kaniyang pamilya'y mahirap at walang- kapangyarihan, hindi naging mahirap para kay Bayardo ang makuha ang basbas ng mga ito. Makikitaan din ng nakasasakal na gender roles ang pamilya Vicario, lalo na sa paraan kung paano sila pinalaki ng kanilang ina.
Ang apat na anak na babae ay pinalaki upang ikasal—alam nila ang lahat ng gawaing bahay, pati ang pinakamahihirap at metikulosong mga gawain. Sentral na naratibo ng nobela ang pagbabalik ni Bayardo San Roman kay Angela Vicario sa kanilang bahay sa gabi ng kanilang kasal, matapos malamang hindi na birhen ang dalaga.
Nang malaman ng kaniyang Ina, sinabunutan at pinagsasasaktan nito ang anak. At nang malaman ng kambal na lalaking kuya ni Angela ang nangyari, napagdesisyunan nila at nagawang patayin ang lalaking kumuha sa pagkabirhen ng kapatid, si Santiago Nasar. Makikita ang lubhang pagpapahalaga ng kultura at mundong nakapaloob sa libro sa dangal, dignidad, at konserbatismo.
Books Video icon An illustration of two cells of a film strip. Video Audio icon An illustration of an audio speaker. Audio Software icon An illustration of a 3. Software Images icon An illustration of two photographs.
Images Donate icon An illustration of a heart shape Donate Ellipses icon An illustration of text ellipses. We have received your winning story. It will be featured on Winners page shortly.
We have receieved your request. Our customer support team will contact you on your registered email address and mobile number shortly. By Deactivating the Hungama Play Subscription, you will lose access to unlimited entertainment. This action cannot be undone. Are you sure you want to unsubscribe? This website uses cookies to ensure you get the best experience on our website.
Night Mode OFF. Hi Guest Login Register. Parokya ni Edgar. Follow Share. Parokya ni Edgar Songs View All. The Ordertaker Inuman Sessions Vol. Choco Latte Bigotilyo. Harana Super Bands. Papa Cologne Matira Matibay Singles Parokya ni Edgar Albums View All. Super Bands Songs Songs. Inuman Sessions, Vol. Inuman Na Sessions, Vol.
Matira Matibay Singles Songs Songs. Saktong Akustik Songs Tagalog Songs. Similar Artists Orange And Lemons. Jasmine Trias. Ronnie Liang.
0コメント